top of page

REBYU

244442233_10228216898313426_3301677084709502978_n.jpg


Ang rebyuwer (sa kaliwa) at ang artist, sa opening day ng show ng huli sa Altro Mondo Creative Space, Makati

Inilathala Oktubre 4, 2021

Island: Hung and lighted well

ni Hubert Posadas

       ongratulations to my friend and sometime art mentor Raul Deodato Arellano for a wonderful show, titled Island, at Altro Mondo Arte Contemporanea Creative Space!
    I have to admit, seeing his paintings as they should be seen, hung and lighted well, gave a strong impact visually and emotionally.
    First time ko nakita mga piyesa niya, naisip ko si Cezanne kaagad. Nakakatuwa sa mga nabasa kong subsequent reviews sa works niya rito at sa 'Merika na nahambing nga siya kay Cezanne.
    Pero yung makita mo ng harapan, kitang-kita mo na na-vibrate yung mga kulay dahil sa laying of bright complementary and contrasting colors. Pinalabas niya. 
    Tapos dahil minaster niya plein air, organic na organic yung labas at hinde pinagpaguran―at least sa final na dating―yung pagplano ng composition.
    Pero ka ha, galing sa composition! 
    Yung ningning niya ay nasa daloy ng mata, na dahil sa magaling na kumposisyon ay hinihigop ka papasok sa bintana ng buhay at organic na mundo ng piyesa.
    Painterly siya. More on abstraction, pero lubog sa Diwa ng Nature, ang lupa ng katotohanan.
    Sa isang banda, at hinde mapagkakaila, mapapansin ang mga impluwensya at tradisyon ng mga naunang mga painters and traditions, ang homage niya sa mga ito bilang mga taong nagsimulang magpinta ng plein air para mahuli ang kalikasan sa canvas.
    Ang ganda ng ganitong panimulain. Hinde matatanggal ang pag-asawa ng kalikasan at ng persona ng nagpipinta.
    At ang umiiral sa kanya ay ang malakas at nag-umaapaw na emosyon na kaakibat naman ng expressionism na siyang orihinal na anak ng, subalit nagrebelde sa, impressionism.
    Gayunpaman, technique-wise ay napag-asawa niya ang dalawa.
    Sa isang banda, ang nai-express ay yung pagka-shaman nitong si 'pareng Raul. Yung koneksyon sa Inang Kalikasan na siyang sumiping sa Diwa para mapanganak itong mga Obra.
    Ni hinde ko na kailangan magsalita pa ng kung ano-ano, dahil sa tikim ng dila ng unang sulyap pa lang, lasa na.
    Pero para sa mga mahilig kumain ng mga masasarap na sining, tikman niyo mismo ng sarili niyong mga mata.
    Gawin ninyo ay pumunta kayo sa Altro Mondo Creative Space mula ngayon hanggang Oktubre 24.
    Punta kayo. Yung walang masyadong kasamang tao, o mas maganda mag-isa kang umupo sa harap ng paintings ni Ka Raul. Yun ang da bes na paraan ma-appreciate ang paintings niya.
    Galing! Congrats! [d]

C

244405503_10228216898873440_1046812907387262975_n.jpg
Si Hubert Posadas ay isang magpapalayok. Ang mga litrato rito ay kuha ng rebyuwer.
241485712_588542008993761_7392599238566679750_n.jpg
Raul Deodato Arellano, EARTHBEAT, oil on canvas, 36 x 60 inches, 2021.jpg
Raul Deodato Arellano, SUBMISSION OF MAN, oil on canvas, 72 x 48 inches, 2021.jpg
Raul Deodato Arellano, SELF-PORTRAIT, oil on canvas, 60 x 36 inches, 2021.jpg
bottom of page